Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nasa New York para sa 78th Session ng UN General Assembly
Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang delegasyon ng Pilipinas para sa 78th Session ng United Nations General Assembly (UNGA78) High-Level Week (HLW) sa New York City, U.S.A na magtatagal hanggang September 26.
Si Secretary Manalo ang maghahayag ng Philippine National Statement sa UNGA General Debate.
Lalagdaan din ni Secretary Manalo ang bagong kasunduan sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of The Sea ukol sa konserbasyon at sustainable use ng marine biological diversity in areas beyond national jurisdiction (BBNJ) o “High Seas Treaty”
Kabilang sa mga dinaluhan na ng kalihim ay ang Sustainable Development Goals o SDG Summit kung saan muling pinagtibay nito ang committment ng Pilipinas sa 2030 Agenda.
Sa side events ng UNGA, nakausap ng DFA chief ang mga counter-part niya mula sa Austria, Slovania, Croatia, Chile, at Czech Republic.
Pumirma rin ang kalihim sa hiwalay na memorandum of understanding para sa pagtatag ng Pilipinas ng political consulations sa Lithuania at Serbia.
Naging co-host din sa isang high-level event ang Pilipinas kasama si Japan Prime Minister Kishida Fumio at Australian Foreign Minister Penny Wong.
Kasama rin sa nakaharap ni Secretary Manalo ang bise- presidente ng Yemen kung saan ipinahayag nito ang suporta ng Pilipinas para makamit ang kapayapaan at makabangon ang mga mamamayan doon.
Moira Encina