Forest fires sumiklab sa hilagang Israel makaraang maglunsad ng rockets ang Lebanon
Sinisikap apulahin ng Israeli authorities ang matinding forest fires sa hilaga ng bansa, na sumiklab ilang sandali makaraan ang rocket at drone attacks mula sa Lebanon, sanhi upang magpatupad ng partial evacuation sa isang bayan doon.
Sinabi ng Israeli police, “Firefighting units, assisted by various entities, are working to extinguish the fires, several homes in Kiryat Shmona had been evacuated.”
Ayon naman sa Israeli army, nagpadala na sila ng reinforcements upang tulungan ang mga bumbero, na nahihirapan na dahil sa lawak ng sunog.
Sinabi ng army, “Six IDF reservist soldiers were lightly injured as a result of smoke inhalation and transferred to a hospital to receive medical treatment. The forces gained control over the locations of fire, and at this stage, no human life is at risk.”
Dumating na rin ang mga lider ng Northern Command ng army sa Kiryat Shmona, at nagsasagawana na ng isang “situational assessment” ang army sa nasabing sektor.
Ayon sa tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, mahigpit nitong sinusubaybayan kasama ng army, ang development ng sunog, na nagsimula nitong Lunes makaraang maglunsad ang Lebanon ng rocket fire at drone attacks.
Bilang ganti, inanunsiyo ng army na nagsagawa ito ng strikes laban sa sinasabi nilang Hezbollah targets sa southern Lebanon.