Former SAP Bong Go, mananatili pa rin sa tabi ni Pangulong Duterte kahit kakandidato na ito bilang Senador
Mananatili pa rin ang pagtulong ni Special Assistant to the President Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila nang ito ay nagbitiw na sa kaniyang tungkulin upang tumakbo bilang Senador.
Ayon kay Bong Go, may mga personal na bagay si Pangulong Duterte na hindi niya basta maiiwan at maipapasa sa iba.
Aniya, hindi niya babaliin ang kaniyang pangako sa Pangulo na habambuhay siyang mananatili sa tabi nito at kaya naman aniya siya kumandidato ay upang ipagpatuloy ang magagandang agenda ng kasalukuyang administrasyon.
Pero nilinaw ni Bong Go na ang pagtulong niya ngayon sa Pangulo ay boluntaryo at wala siyang sweldo.
“Pangako ko yan sa Pangulo na habambuhay ko siyang paglilingkuran. Kaya naman ako tumakbo dahil i want to continue to serve the Filipino people and to support the agenda of the President. Kung saan po ako makakatulong kahit sa Senado, yun ang aking gagawin”.