Free Mass swab testing para sa mga market vendor, mga nagtatrabaho sa mall at mga driver ng pampublikong sasakyan ipinag utos ni Manila Mayor Isko Moreno
Ipinag- utos na ni Manila Mayor Isko Moreno ang libreng mass swab testing para sa mga tindero at tindera sa palengke, mga nagtatrabaho sa supermarket, mall, hotel at restaurant maging mga driver ng e-trike, tricycle, pedicab, jeepney at bus.
Sa ilalim ng Executive Order No. 39 na nilagdan ni Moreno, inaataasan nito ang Manila Health Department na magbigay ng libreng swab test sa mga nabanggit na manggagawa.
Ayon sa alkalde, ang banta ng COVID-19 sa mga komunidad ay patuloy parin.
At ang takot ng bawat isa dahil sa pandemya ay nakakaapekto rin sa ekonomiya ng lungsod.
Kaya naman para mawala na ang takot na ito at mabigyan ng assurance ang publiko na covid free ang mga empleyado sa kanilang pinupuntahang establisyimento.
Lahat ng establisyimento sa Maynila ay inaatasan rin na gawing mandatory ang pagfill up ng mga health declaration forms para sa contact tracing.
Ang kautusan ay inilabas matapos ang inagurasyon ng ikalawang molecular laboratory sa lungsod.
Dahil rito, kaya na umanong makapagproseso ng Manila LGU ng 1 libong swab test kada araw.
Madz Moratillo