Freebies at discounts, naghihintay sa mga kawani ng gobyerno ngayong Setyembre

Photo courtesy of CSC

Maaaring mag-avail ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ng mga special treat at discount sa kanilang pagbili, akomodasyon at mga aktibidad ngayong Setyembre bilang pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Inanunsiyo ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles, na ang komisyon ay nakipag-partner sa iba’t ibang pribadong establisimyento upang magkaloob ng exclusive rates at freebies para sa isa punto siyam na milyong aktibong civil servants, gayundin para sa mga retiradong kawani bilang pagkilala sa kanilang sipag sa trabaho at dedikasyon sa public service.

Ani Nograles, “Inihanda natin itong special treats bilang pasasalamat sa ating mga kawani. Talaga namang hindi matatawaran ang inyong mga sakripisyo upang matugunan ang pangangailangan at mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang publiko anumang oras. Salamat po sa inyo.”

Ayon sa CSC, sa buong buwan ng Setyembre, ang mga empleyado ng gobyerno ay maaaring mag-avail ng mga diskwento mula sa mga pampubliko at pribadong sektor na katuwang sa mga accommodation, amusement facilities, food orders, health and wellness facilities, retail outlets, service providers at travel agencies.

Ang mga sumusunod ang partner outlets na magbibigay ng diskuwento sa accommodations:

• Bluewater Maribago (Lapu-Lapu City, Cebu)

• Casa Emilia (Caloocan City)

• Desert Rose Hotel (El Nido, Palawan)

• Fulgueras Beach Resort (San Felipe, Zambales)

• Department of Tourism – Cordillera region

• Department of Tourism – Ilocos region
• Harolds Evotel Hotel Cebu

• Kwentong Dagat (San Felipe, Zambales)

• Layang Layang Home (El Nido, Palawan)

• Limliwa Beach Resort (San Felipe, Zambales)

• RedDoorz

• Seda Lio (El Nido, Palawan)

• Sitio de Amor (San Pablo City, Laguna)

• Urbiz Garden (San Juan, La Union)

• Villa Pamana Inn (Puerto Galera, Oriental Mindoro)

Makaka-avail din ng discounted rates ang mga civil servant sa SM Bowling, SM Skating, Game Room, at Star City. Ang Ka Tunying’s naman ay mayroong special pricing para sa kanilang mga pagkain.

Samantala, ang mga sumusunod na health and wellness facilities ay nakipag-partner din sa CSC:

• 2 Hands

• Asian Eye Institute

• EyeSite by Asian Eye Institute

• Blissful Bali Massage Spa and Aesthetic Center

• Dermcare

• Executive Optical

• KR Suarez Optical

• Pink Parlour

• RCC Amazing Touch

• Vitasurg Clinic

Siyam na retail outlets naman ang may alok ding discounts sa in-store purchases:

• ACE Hardware

• FlexiSpot

• Hi-Q Appliances

• Miniso

• Pet Express

• SM Appliance Center

• SM Store

• Toy Kingdom

• Trax Manila Records

Maaari ring mag-avail ng discounts ang mga empleyado ng gobyerno at retired personnel sa mga serbisyo mula sa AutoGenic, Automobile Association Philippines, L&D’s Auto Body Painting & Repair Services at Majesty Driving School.

Maging ang Bigson Travel & Tours at Travbest Travel & Tours Co. ay magbibigay din ng diskuwento sa travel bookings at travel insurance.

At para ma-avail ang lahat ng ito, kailangan lamang ipakita ng government workers ang kanilang government agency ID o UMID card.

Ang Job Order and Contract of Service workers ay puwede ring mag-avail ng special treats sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang official government agency ID card.

Para naman sa kumpletong talaan ng PCSA partner outlets, agencies at facilities, bisitahin ang CSC PCSA microsite sa www.csc.gov.ph/pcsa2023 o ang CSC Facebook Page sa www.facebook.com/civilservicegovph

Ginugunita sa taunang pagdiriwang ng PCSA ang paglagda sa Pampublikong Batas Blg. 5, o An Act for the Establishment and Maintenance of an Efficient and Honest Civil Service in the Philippine Islands, noong 19 Setyembre 1900.

Ang pagdiriwang ay alinsunod din sa Presidential Proclamation No. 1050, series of 1997 na nilagdaan ng yumaong Pangulong Fidel Valdez Ramos na nagdedeklara sa buwan ng Setyembre bilang Buwan ng Serbisyo Sibil.

Kasama sa iba pang aktibidad na nakahanay para sa 123rd PCSA ang 2023 Public Sector Human Resource Symposium, 2023 Awards Rites for Outstanding Government Workers, Government Online Career Fair, Online Zumba at Film Showing, Plant-Run, Golf for a Cause, Virtual Recognition Program for Contact. Center ng Bayan Partner Agencies, at PRIME HRM Awards.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa 123rd PCSA at ang iskedyul ng mga aktibidad, pumunta sa www.csc.gov.ph/pcsa2023 o tingnan ang CSC Facebook Page sa www.facebook.com/ civilservicegovph para sa mga update. (CSC)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *