Freeze -drying Technology ng DOST-ITDI, malaki ang maitutulong sa Food Entrepreneurs sa bansa
Dried but turns fresh anew…ito ang tinatawag na Freeze drying technology.
isang teknolohiya na dinevelop ng DOST- Industrial development institute o ITDI, food innovation center.
Ito ay isang paraan ng pag-aalis ng moisture o water content ng pagkain na napananatili pa rin ang original properties.
Ayon kay Mr. Marlo Asis ng Alliance for Science Philippines, kung maipalalaganap lang sa mga food entrepreneurs ang nabanggit na teknolohiya, makatutulong ito ng malaki sa paglago ng kanilang negosyo, higit sa lahat, hindi naaalis o nawawala ang benepisyong pangkalusugan na idudulot nito.
Ayon pa kay Asis, ang mga seasonal foods ay maaaring maging available sa buong taon sa pamamagitan ng freeze drying technology.
Inihalimbawa ni Asis ang avocado na ginamitan ng nasabing technology.
Hindi na ito ginamitan ng anumang preservatives sa pagpapatuyo kung kaya natural at makatitiyak na napapanatili ang health benefits na idudulot nito sa kalusugan.
Bukod sa avocado, available na rin ang freeze dried carrots, corn at cabbage.
Ulat ni Belle Surara