French movie giant na si Alain Delon, namatay na sa edad na 88
Inihayag ng tatlong anak na babae ng French actor na si Alain Delon, na bumihag sa puso ng maraming fans, na namatay na ito sa edad na 88.
Hindi na naging maganda ang lagay ng kalusugan ni Delon mula nang ito ay ma-stroke noong 2019, at bihira nang umalis sa kaniyang Douchy estate, sa Val de Loire region ng France.
Pinuri siya ni French President Emmanuel Macron bilang higante ng French culture.
Sa kaniyang post sa X ay sinabi ni Macron, “Alain Delon has played legendary roles and made the world dream. Lending his unforgettable face to shake up our lives. Melancholic, popular, secretive, he was more than a star: he was a French monument.”
Dahil sa kaniyang ‘striking blue eyes,’ si Delon minsan ay tinatawag na “French Frank Sinatra” dahil sa kaniyang kaguwapuhan.
Si Delon ay may kaugnayan sa Mafia, ngunit hindi niya itinatago na mayroon siyang mga kaibigan dito.
Sa isang panayam sa kaniya noong 1970, nang siya ay tanungin tungkol sa nabanggit niyang mga kaibigan, kung saan isa rito ay kabilang sa huling “Godfathers” ng underworld sa Mediterranean port ng Marseille, ay sinabi ni Delon, “Most of them the gangsters I know … were my friends before I became an actor. I don’t worry about what a friend does. Each is responsible for his own act. It doesn’t matter what he does.”
Ang aktor ay sumikat sa pamamagitan ng dalawang pelikula ng Italian director na si Luchino Visconti, ito ay ang “Rocco and His Brothers” noong 1960 at ang “The Leopard” noong 1963.
Nagbida kasama si Jean Gabin sa 1963 film ni Henri Verneuil na “Melodie en Sous-Sol” (“Any Number Can Win”), at naging isa ring major hit sa Jean-Pierre Melville 1967 film na “Le Samourai” (“The Godson”).
Ang papel ng isang philosophical contract killer ay may kakaunti lamang na dialogue at malimit ay solo scenes, kung saan nangibabaw ang husay ni Delon.
Si Delon ay sumikat sa France at hinangaan kapwa ng mga babae at lalaki sa Japan, ngunit hindi siya naging malaking pangalan sa Hollywood sa kabila nang pagganap niya kasama ang American cinema giants, gaya ni Burt Lancaster nang gumanap siya sa papel ng apprentice-hitman na si Scorpio sa 1973 film.
Sa 1970 film naman na “Borsalino,” ay nakasama niya ang kapwa French actor na si Jean-Paul Belmondo, kung saan ginampanan nila ang papel ng gangsters na nagkaroon ng hidwaan dahil sa isang babae.
Kabilang din sa maituturing na crowning moments ni Delon ay ang kaniyang 1969 erotic thriller na “La Piscine” (“The Swimming Pool”), kung saan nakasama niya ang kaniyang lover sa tunay na buhay na si Romy Schneider.
Ang stand-out film ng aktor noong 1970s ay ang 1976 Joseph Losey film na “Monsieur Klein,” kung saan ginampanan niya ang papel ng isang art dealer sa Paris sa panahon ng pananakop noong World War Two, na halaw sa isang Jewish fugitive na may kaparehong pangalan.
Isinilang sa labas lamang ng Paris noong November 8, 1935, si Delon ay sumailalim sa pangangalaga ng foster care sa edad na apat, ilang ulit na na-expell mula sa boarding schools bago naging bahagi ng Marines sa edad na 17 at nagsilbi sa noon ay French-ruled Indochina, kung saan nasangkot din siya sa gulo dahil sa isang ninakaw na jeep.
Noong mid-50s sa France, nagtrabaho si Delon bilang isang porter sa Paris wholesale food market, Les Halles, at gumugol ng panahon sa red-light Pigalle district bago nag-migrate sa cafes ng bohemian St. Germain des Pres area.
Doon niya nakilala ang French actor na si Jean-Claude Brialy, na siya namang nagdala sa kaniya sa Cannes Film Festival, kung saan naagaw niya ang pansin ng isang American talent scout na nag-arrange ng isang screen test.
Ang film debut ni Delon ay noong 1957, sa pelikulang “Quand la femme s’en mele” (“Send a Woman When the Devil Fails”).
Hindi lang isang aktor kundi isa ring negosyante si Delon, kung saan ginamit niya ang kaniyang kaguwapuhan upang makapagbenta ng branded cosmetics, at nag-invest din siya sa isang racehorse stable kasama si Jacky “Le Mat” Imbert, na isang notorious figure sa Marseille crime scene.
Sa isang panayam sa kaniya sa Paris Match noong 2018 ay sinabi niya, “I am fed up with modern life and had a chapel and tomb ready for me on the grounds of my home near Geneva, and for my Belgian shepherd dog, Loubo.”
Ang huling major public appearance ng aktor ay nang tumanggap siya ng isang honorary Palme d’Or sa Cannes film festival noong May 2019.
Alain Delon and daughter Anouchka Delon, 72nd Cannes Film Festival, May 19, 2019. REUTERS/Stephane Mahe
Sa mga nakalipas na taon, si Delon ang naging sentro ng away ng pamilya kaugnay ng usapin ng pag-aalaga sa kaniya, na naging headline sa French media.
Noong Abril 2024, inilagay ng isang hukom si Delon sa ilalim ng “reinforced curatorship,” ibig sabihin ay wala na siyang ganap na kalayaan na pamahalaan ang kanyang mga asset. Nasa ilalim na siya ng ‘legal protection’ dahil sa mga alalahanin tungkol sa kaniyang kalusugan at kapakanan.