‘Friends’ stars LeBlanc at Cox nagbigay ng tribute kay Matthew Perry
Nagbigay ng isang madamdaming pagpaparangal ang “Friends” actors na sina Matt LeBlanc at Courteney Cox para sa namayapa nilang kasamahan na si Matthew Perry.
Si Perry, na gumanap sa papel ni Chandler Bing sa hit TV sitcom mula 1994-2004, ay namatay noong isang buwan sa edad na 54, matapos ang ilang dekada nang pakikipaglaban sa adiksiyon at iba pang malubhang isyung pangkalusugan.
Sa sulat ni LeBlanc nakasaad, “The times we had together are honestly among the favorite times of my life.”
Si LeBlanc ang gumanap sa papel ng roommate ni Perry at best friend niya sa show.
Ibinahagi niya sa Instagram ang maraming screenshots ng mga eksena sa “Friends” na kinatatampukan nilang dalawa ni Perry, kabilang ang dalawa kung saan sila ay nagyayakapan.
Nakasaad pa sa kaniyang isinulat, “It was an honor to share the stage with you and to call you my friend.”
Ibinahagi rin sa Instagram ni Cox, na pumapel bilang love interest ni Perry na kalaunan ay naging misis niya sa show, ang isang clip ng sikat na eksena sa “Friends” kung saan ang romantic relationship ng kanilang mga karakter ay unang nabunyag.
Ayon sa isinulat ni Cox, “I am so grateful for every moment I had with you Matty and I miss you every day.”
Kabilang sa kaniyang post ang footage nang matapos na ang eksena, kung saan si Cox na kasama sa higaan ni Perry ay nagpakawala ng isang joke para sa live studio audience.
Paliwanag ni Cox, “In this scene, before we started rolling, he whispered a funny line for me to say. He often did things like that. He was funny and he was kind.”
Si Perry ay natagpuang walang malay sa isang hot tub sa kaniyang tahanan sa Los Angeles noong isang linggo ng first responders, na hindi na siya nagawang maisalba pa.
Ang sanhi ng pagkamatay ni Perry ay hindi pa batid. Ang paunang post-mortem examination ay ‘inconclusive’ at ang mga resulta ng toxicology tests ay hindi pa nailalabas.
Ang limang costars ni Perry na sina Cox, LeBlanc, Jennifer Aniston, David Schwimmer at Lisa Kudrow ay naglabas ng isang joint statement dalawang araw makaraan niyang pumanaw.
Anila, “We are all so utterly devastated by the loss of Matthew. We were more than just castmates. We are a family. There is so much to say, but right now we’re going to take a moment to grieve and process this unfathomable loss. In time we will say more, as and when we are able.”
Ang lima ay napaulat na dumalong lahat sa private funeral ni Perry sa Los Angeles sa mga unang bahagi ng buwan na ito.