Fuel Subsidy para sa mga drivers at operators ng pampublikong sasakayan kailangang ipamahagi na
Walang dahilan para i-delay ng gobyerno ang pamamahagi ng Fuel Subsidy para sa mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan kasama na ang mga magsasaka at mangingisda
Ayon kay Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance, kailangang ipamahagi na ang ayuda ngayong nagdesisyon na ang Comelec na i-exempt ang pamamahagi ng ayuda
Sinabi ni Angara na aabot sa 3 billion pesos ang nakalaang pondo sa pambansang budget ngayong taon para sa Fuel Subsidy na inaasahang pakikinabangan ng may 1.46 million benificiaries.
Sa Fuel Subsidy program dapat Ten thousand pesos ang matanggap ng bawat tsuper ng mga modern PUV, 6500 sa mga traditional jeep, 1200 sa mga delivery riders at 1000 sa mga tricycle drivers.
Sinabi ni Angara na ginawa ito ng senado para matiyak na may sapat na transportasyon para sa mga pasahero ngayong tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo
Aabot naman sa 312 thousand na mga magsasaka at mangingisda ang mabibigyan ng ayuda.
Samantala, mahalagang anunsyo suspendido ang klase ngayong araw ng biyernes, Setyembre 22, 2023, sa lahat ng antas, pampubliko o pribado dito sa Pasay City dahil sa banta sa kalusugan ng usok na ibinubuga ng bulkang Taal.
Pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng tahanan at dagdagan ang ibayong pag-iingat.
Magsuot ng facemask para hindi malanghap ang volcanic smog.
Meanne Corvera