Full Automation ng Brgy. at SK Elections sa Oktubre,hindi kaya ayon sa COMELEC
Hindi kakayanin ng Commission on Election na magsagawa ng automated elections sa buong bansa sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na nagkasundo ang mga opisyal ng COMELEC sa tanging sa dalawang Barangay sa Dasmarinas Cavite at isa sa Pasong Tamo sa Quezon City magsasagawa ng automation.
Sa naturang mga barangay natukoy ang mas maraming cluttered precints.
Katwiran ni Garcia, hindi sapat ang kanilang logistics para sa full automation pero nilinaw na automated ang magiging paraan ng pagboto.
Sa paglilinaw ni Garcia, automated man ang botohan sa tatlong lugar sa bansa magiging manual ang uploading o mano-mano na dadalhin sa canvassing area para doon bilanging na ikinababahala naman ng mga Senador.
Pagtitiyak naman ni Garcia, mas maaga na malalaman ang resulta ng halalan.
Sa ngayon ay 100 percent na aniya silang preparado at aabot na sa 86 percent ang naiprint na balota.
Inatasan naman ni Senador Imee Marcos na Chairman ng Committee on Electoral Reforms ang COMELEC na makipag-ugnayan sa PNP at DILG para matiyak ang pagsasagawa ng mas maayos na eleksyon.
Meanne Corvera