Full operations ng economic activities sa PHL sa gitna ng pandemya, pinag-aaralan na – Malacañang
Tinatalakay na ng Inter Agency Task Force o IATF ang panukala ng economic team ng pamahalaan na magkaroon na ng full operations ng economic activities sa bansa sa gitna ng pandemya ng covid-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa huling pulong ng IATF na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ay nagkaroon na ng presentasyon si National Economic Development Authority o NEDA Director General Karl Chua.
Ayon kay Roque ipinakita ni Secretary Chua sa Pangulo ang naging kabuoang epekto ng covid 19 pandemic sa buhay at kabuhayan ng bansa na ang tanging solusyon ay ipatupad na ang full operations ng economic activities.
Inihayag ni Roque, tinitimbang na mabuti ng ecomonic team ang banta ng covid 19 sa buhay ng bawat mamamayan ganun din sa kabuhayan.
Niliwanag ni Roqu, dahil sa kailangang mabuhay at maghanap buhay ang bawat mamamayan kaya inilunsad ng pamahalaan ang kampanyang Ingat Buhay para makapaghanap Buhay.
Vic Somintac