Fully vaccinated tourists, puwede nang pumasok sa US
Muli nang bubuksan ng Estados Unidos ang kanilang borders, para sa mga turistang fully vaccinated na simula sa November 8, makalipas ang 18 buwang travel ban.
Sinabi ni White House assistant press secretary Kevin Muñoz, na ang anunsiyo ay ginawa makaraang pag-aralang mabuti ang sitwasyon.
Ayon kay Muñoz . . . “The US’ new travel policy that requires vaccination for foreign national travelers to the United States will begin on November 8. This announcement and date applies to both international air travel and land travel. This policy is guided by public health, stringent, and consistent.”
Magugunitang isinara ng US ang kanilang borders para sa mga turista mula sa European Union (EU), Britain at China noong March 2020 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Pahayag naman ng Airlines for America, malaking tulong ang muling pagbubukas ng borders sa recovery ng ekonomiya (AFP)