Gall bladder operation, simple na lang at hindi dapat katakutan
Hindi na dapat katakutan ang pagpapaopera tulad ng mga nakalipas na panahon.
Ayon kay Dr. Billy James Uy, hepatobiliary and pancreatic surgeon, kung nakararanas ng pagsakit ng tiyan na makirot mahalagang kumunsulta agad dahil isang senyales ang kirot upang ipa check up ang nararanasang pagsakit ng tiyan.
Kung ang diagnose ay gall bladder, mas mainam na ito ay ipaopera dahil sa napakataas ng posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon kung hindi maaagapan lalo na at ang pagsakit na nararanasan ay hindi na makaya.
Binigyang diin ni Dr. Uy na sa kasalukuyan, hindi na dapat katakutan ang pagpapaopera.
“Now a days hindi na tayo puro open surgery, may mga laparascopic surgery na tayo, maliliit na butas lang where we operate two cameras noh inside of course sa katawa. Yung hiwa mo mga .5 to 1 cm lang very small. and usually after the surgery mo the next day pwede ka nang pauwiin kaagad”
Ulat ni Belle Surara