Garland nagningning nang talunin ng Cavaliers ang Nets
Nakaiskor si Darius Garland ng 22 puntos at nagdeliver ng 12 assists, nang talunin ng Cleveland Cavaliers ang Brooklyn Nets sa score na 114-107.
Dinomina ng Cavaliers ang offence at defense sa buong panahon ng laro.
Nag-ambag din ng 15 puntos si Issac Okoro, habang tig-14 points naman sina Lauri Markkanen, Kevin Love ar Jarrett Allen para sa Cavaliers, na tila ipinaghiganti ang dalawang pagkatalo ng Cavs sa Nets noong Nobyembre.
Gumawa rin ng 12 points para sa Cavs ang rookie na si Evan Mobley sa harap ng 18,100 crowds sa Rocket Mortgage Fieldhouse arena sa Cleveland.
First full game naman ito ng Nets nang wala ang NBA leading scorer na si Kevin Durant na hindi nakapaglaro dahil sa sprained medial collateral ligament sa kaliwang tuhod.
Pinangunahan ng part-time Nets player na si Kyrie Irving ang koponan sa pamamagitan ng kaniyang 27 points, pero dalawang beses lamang nakapagbuslo ng bola sa 4th quarter.
Si Irving na hindi pa bakunado ay binawalang maglaro sa lahat ng games maliban sa Nets’ away games dahil sa Covid-19 health and safety rules ng New York.