Gatas, may H5N1 strain ng bird flu ayon sa WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO), na may na-detect na mataas na concentration ng H5N1 bird flu virus strain sa raw milk mula sa infected animals, bagama’t hindi batid kung gaano katagal na mabubuhay ang virus sa gatas.
Ang avian influenza o A (H5N1) ay unang lumitaw noong 1996 ngunit mula noong 2020, ang bilang ng outbreaks sa mga ibon ay lumaki nang husto, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga nahawaang mammal.
Ang strain ay ikinamatay na ng milyun-milyong mga manok, at nahawaan na rin ang wild birds maging ang land at marine mammals.
Noong nakaraang buwan, ang mga baka at kambing ay napasama na rin sa talaan, na ikinagulat ng mga eksperto dahil dahil hindi nila naisip na ang mga ito ay madaling kapitan ng ganitong uri ng sakit.
Sinabi naman ng US authorities, na sa unang bahagi ng Abril ay isang tao na nagtatrabaho sa isang dairy farm sa Texas ang nagpapagaling na mula nang mahawa ng bird flu, makaraang ma-expose sa isang baka.
Ayon kay Wenqing Zhang, head ng global influenza programme sa WHO, “The case in Texas is the first case of a human infected by avian influenza by a cow. Bird-to-cow, cow-to-cow and cow-to-bird transmission have also been registered during these current outbreaks, which suggest that the virus may have found other routes of transition than we previously understood.”
Pangalawang kaso pa lang aniya ito na isang tao ang nagpositibo sa bird flu sa Estados Unidos, at nangyari matapos magkasakit ang isang kawan ng mga baka na na-expose sa wild birds.
Sabi pa ni Zhang, “Now we see multiple herds of cows affected in an increasing number of US states, which shows a further step of the virus spillover to mammals. The virus has also been detected in milk from infected animals.”
Dagdag pa niya, “There was a ‘very high virus concentration in raw milk,’ but experts were still investigating exactly how long the virus is able to survive in milk.”
Photo: Courtesy of eaglenews.ph
Sinabi ng Texas health department, na walang dapat ipag-alala para sa commercial milk supply ang cattle infections dahil sinisira ng mga dairy ang mga gatas na galing sa mga baka na may sakit, at namamatay din ang virus kapag isinailalim sa pasteurisation ang mga gatas.
Ani Zhang, “It is important for people to ensure safe food practices, including consuming only pasteurised milk and milk products.”
Ayon sa WHO, simula 2003 hanggang April ngayong taon, nakapagtala na sila ng 463 pagkamatay mula sa 889 human cases sa buong 23 mga bansa, o katumbas ng fatality rate na 52 percent.
Binanggit ni Zhang na may naitalang human cases sa Europe at United States sa nakalipas na ilang taon mula nang dumagsa ang virus, ngunit mild lamang ang mga ito.
Sa ngayon ay wala pang ebidensiya na ang A(H5N1) ay kumakalat na sa mga tao.
Binigyang-diin din ni Zhang, na ang A(H5N1) viruses na natukoy sa mga baka at sa kaso ng tao sa Texas, ay hindi nagpakita ng pagtaas ng adaptasyon sa mga mammal.
Para naman sa potensiyal na mga bakuna, kung kakailanganin, ay sinabi ni Zhang, “There were some in the pipeline. Having candidate vaccine viruses ready allows us to be prepared to quickly produce vaccines for humans, if this becomes necessary.”
Dagdag pa niya, “For this particular H5N1 virus detected in dairy cows, there are a couple of candidate vaccine viruses available.”
Sa kaso naman aniya ng isang pandemya, mayroong halos 20 influenza vaccines na lisensiyado para gamitin sa pandemya, at maaaring i-ayon ang mga ito sa partikular na virus strain na kumakalat.