GCash account hindi apektado ng SIM registration issue
Walang katotohanan o fake news umano ang mga kumakalat na report na mawawala ang pera sa GCash kapag inabot ng deadline ng SIM card registration, at di pa rin nakakapag-parehistro.
Sinabi ng GCash, malaki ang posibilidad na galing sa mga taong nais lamang guluhin ang adhikain ng gobyerno na makapagbigay ng maayos na digital financial services sa mga Pilipino.
Upang makaiwas sa fake news, payo ng GCash, na magtungo sa kanilang mga official social media accounts at website.
Kung sakali namang hindi makapag-rehistro, may mga paraan anila para muling ma-access ang mga e-wallet funds.
Una, kailangan lamang na magtungo sa official GCash Help Center at kausapin si Gigi.
Pangalawa, gumawa ng bagong GCash account na konektado sa bagong numero at siguruhing fully verified ito.
Pangatlo, tiyakin na rehistrado na ang bagong numero, nang sa gayun, agad na maipo-proseso ang pag-transfer ng pondo at masiguro ang maayos na pag-access sa bagong GCash account.
Ngayong extended na ang SIM card registration, dapat siguraduhing makapag-paparehistro na ang lahat ng mobile phone users upang maiwasan ang anumang abala sa pag-access ng kanilang mga account.
Samantala, para sa mga Globe at TM subscribers, mas pinadali na ang pagpapa-reshistro ng kanilang SIM cards dahil pwede na itong gawin sa loob lamang ng GCash.
Para sa mga prepaid users ng Globe Telecom at TM, maari rin nilang bisitahin ang opisyal na Globe SIM registration website na new.globe.com.ph/simreg.
Vic Somintac