GCash dapat papanagutin sa mga nawalang pera ng subscribers – Digital Pinoy
Dapat papanagutin at imbestigahan ng gobyerno ang GCash sa nangyaring unauthorized transactions sa hanay ng mga subscribers nito.
Ito ang iginiit ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoy sa panayam ng NET25 TV/Radyo program Ano sa Palagay Nyo? (ASPN).
Sinabi ni Gustilo na hindi lang basta glitch ang nangyaring insidente kung saan ilang GCash subscribers ang nawalan ng pondo sa kanilang mga account.
“Yung glitch, sigurado ako na hindi gitch, kung glitch maaring nawala ang pondo pero maibabalik, dito sa incident ay nagkaroon ng bank transfer papunta sa specific bank,” pagdidiin ni Gustilo
Ang problema aniya ay hindi inaamin ng GCash kung ano ang nangyari sa sistema bakit nawala ang pera at nailipat ito sa account sa dalawang bangko.
Kaya naman ang hindi maia-alis ang pangamba at takot ng mga account holders at hindi alam ang gagawin.
“Imbestigahan na ito ng gobyerno bakit humantong sa ganitong insidente, ganitong kalaking halaga ang nawala sa GCash user (jump sot) definitely hindi dapat palampasin itong nangyaring ito, hindi porket sinoli ang pera ayos na, dahil sa kapabayaan nangyari, dapat panagutan at may penalties ang gobyerno sa GCash,” giit pa ng Digital Pinoy national campaigner.
Hinikayat din ni Gustilo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umaksyon at maging pro-active sa isyung kinakaharap ng mga FinTech at iba pang app na tulad ng GCash.
Matagal na aniyang nangyayari ang ganitong mga insidente ngunit hindi sila pinapansin ng GCash at mahirap lapitan ang BSP kaya naman siya sa kaniyang sarili ay diskumpiyado na at hinikayat ang publiko na gumamit ng ibang digital wallet platforms.
Sa halip aniyang gugulan ng salapi ng GCash ang regular na pagbabago sa kanilang interface ay gastusan ang ukol sa kanilang cyber security upang maiwasan na ma-hack o mapasok ng iba ang sistema
“Ultimately ang responsibilidad ay para protektahan ang nasa platform, ang isang kailangan nilang gawin ay mag-hire ng 3rd party auditor na mag-audit sa strength, kung in-house lang, ibang bagay pag 3rd party, walang utang na loob para sabihin na maganda output, may pangatlong magsasabi na pangit ang security,” pagdidiin pa ni Gustilo
Weng dela Fuente