General Luna sa Surigao del Norte at Davao provinces, niyanig ng lindol

Isang lindol ang naramdaman sa bayan ng General Luna sa Surigao del Norte.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang magnitude 3.0 na lindol sa 60 km Timog -Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.

Ayon pa sa Phivolcs,walang inaasahang anumang aftershock maging pinsala sa mga ari-arian ang naganap na pagyanig.

Samantala, niyanig din ng dalawang magkasunod na lindol ang Davao Oriental at Occidental kaninang hatinggabi.

Ayon sa phivolcs, unang naganap ang magnitude 3.1 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental bandang alas-12:12 ng hatinggabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa 128 km Timog Silangan ng nasabing bayan.

May lalim itong 15km at tectonic ang pinagmulan.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *