George Lucas makatatanggap ng espesyal na Cannes festival award
Bibigyan ng Cannes film festival ng isang special award, ang Star Wars creator na si George Lucas sa kanilang closing ceremony ngayong taon.
Sinabi ng mga organiser sa isang pahayag na nagbibigay pugay sa legendary 79-year old producer at director na tatanggap ng Honorary Palme d’Or sa May 25, “Star Wars is nothing short of mythology.”
Ayon naman kay Lucas na ang unang pelikula na THX 1138, ay ipinalabas sa French festival noong 1971, “The Festival de Cannes has always held a special place in my heart. Since then, I have returned to the festival on many occasions in a variety of capacities as a writer, director and producer. I am truly honoured by this special recognition which means a great deal to me.”
Inihambing ng mga organiser ang tagumpay ni Lucas sa siyam na pelikula ng “Stars Wars” kay J.R.R. Tolkien, manunulat ng seryeng “Lords of the Rings”.
Ayon sa pahayag ng mga organiser, “He imagined a universe, with its geography, populations, languages, moral values and even its vehicles. “The film captivated American crowds and became a worldwide socio-cultural phenomenon, which continues to this day.”
Bilang isang producer, si Lucas din ang creator ng serye ng pelikulang Indiana Jones at nakasama sa mga proyektong gaya ng “Kagemusha” ni Akira Kurosawa.
Ang Cannes festival ay gaganapin mula May 14 hanggang May 25.
I-aanunsiyo ng mga organiser ang opisyal na seleksiyon ng mga pelikula sa Huwebes.