Ghibli theme park, naghahanda na para sa mga bisita
Nasilip na ng media ngayong Miyerkoles, ang matagal nang inaabangang bagong theme park mula sa Studio Ghibli, creator ng lubhang tinatangkilik na mga panoorin gaya ng “My Neighbour Totoro” at ng Oscar-winning na “Spirited Away”.
Bubuksan ang parke sa mga bisita sa Nobyembre uno, bagama’t tatlo pa lamang mula sa limang bahagi ng parke na nasa sentro ng Aichi region ng Japan ang magiging accesible.
Nakatalatag sa higit 7.1 ektarya ng 194-hectare park kung saan ginanap ang 2005 International Expo, kinatatampukan ito ng malaking open-air areas na angkop sa kahalagahan ng kalikasan na makikita sa mga gawa ng Ghibli.
Kabilang sa tatlong lugar na bubuksan sa susunod na buwan ay ang “Hill of Youth,” ang gateway sa parke na kinatatampukan ng isang elevator tower na inspired ng ilang Ghibli films gaya ng “Castle in the Sky” at “Howl’s Moving Castle”.
Sa iba pang dako, ang “Dondoko Forest” ang pupukaw sa retro peace ng “My Neighbour Totoro,” dahil sa kaniyang bucolic walking paths, playground equipment at isang napakalaking Totoro figure.
Isang malaking atraksiyon sa parke ang Ghibli Grand Warehouse, isang hangar-like indoor portion ng parke na may iba’t ibang atraksiyon, kabilang na ang 14 na mga set mula sa 13 film classics ng studio.
Ang mga bisita ay malayang makapag-i-stroll sa kahabaan ng isang alley na dinisenyong gaya ng sa opening scene ng “Spirited Away,” o subukang umupo sa red velvet-covered train seat sa isang carriage na katabi ng “No-Face” character ng pelikula.
Hinuhulaang aabot sa 1.8 milyon kada taon ang bibisita sa sandaling buksan na ang lahat ng limang area ng parke simula sa susunod na taon, na ang tinatayang magiging annual economic impact ay 48 billion yen ($328 million).
Ang Studio Ghibli ay itinatag noong 1985 ng animators na sina Isao Takahata at Hayao Miyazaki, at binihag nito ang mga tagahanga sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang mga likha, kung saan nagsasanib ang “nostalgia, courage, greed and interaction with the natural world.”
Sinabi ni Goro, anak ni Miyazaki na layon ng parke na protektahan ang local environment.
Aniya, “We chose a location that would have as little impact as possible, The trees surrounding the park make the buildings look better… they look as if they have been there for a long time.”
Sinabi pa niya, “The park was originally conceived as a way to leave Studio Ghibli’s works to future generations, in anticipation of my father’s expected retirement. We didn’t want people to forget Ghibli’s works. But we were betrayed again. He’s making a feature film now!”
Ang mga tiket ay “for reservation only” at nagkakahalaga ng nasa pagitan ng 1,000 at 2,500 yen ($6.80-$17) per area para sa adults.
Ang Studio Ghibli rin ang nag-ooperate sa napakasikat na Ghibli Museum na nasa labas ng Tokyo, na nag-ooffer ng “tickets only” sa simula ng bawat buwan, na kalimitan ay nauubos agad sa loob lang ng ilang oras.
Ang Japan ay tahanan ng ilang pangunahing theme parks, gaya ng Tokyo Disneyland at Universal Studios sa Osaka.
Makalipas ang dalawa at kalahating taong mahigpit na COVID-19 restrictions, ang borders ay muling binuksan sa mga turista noong October 11, at ang malaking bilang ng mga dayuhang bisita ay inaasahan na sa mga susunod na buwan.
© Agence France-Presse