‘Ghost students’ pinaiimbestigahan ng DepEd central office

0
DEPED FACADE

Pinaiimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) central office, ang umano’y “ghost students” sa senior high school voucher program ng 12 private schools at 9 na school divisions.

Kabilang sa ipasisiyasat ng DepEd ay ang mga tauhan at opisyal na posibleng sangkot sa iregularidad, na maaaring ikatanggal ng mga eskuwelahan sa senior high school voucher program.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, bilang bahagi ng marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., hinggil sa transparency at accountability, ay mamadaliin nila ang pag-iimbestiga upang mapanatili ang integridad ng pondo at implementasyon ng program.

Tiniyak din niya an mananagot ang sinumang pasimuno at sangkot dito.

Sinabi ni Angara, posibleng matanggalan ng accreditation ang mga sangkot na private school, habang ihahanda na rin ng DepEd ang administrative case sa mga responsableng indibidwal batay sa makakalap na ebidensiya.

Samantala, tiniyak ng DepEd sa publiko, na magtutuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga lehitimong estudyante para sa kanilang pag-aaral.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *