Ghosting, ano nga ba ito?
Maraming nagreact na netizen ukol sa “ghosting” na idineklara bilang isang emotional offense mula sa isang mambabatas.
Pero teka, ghosting, ano nga ba ito?
Ayon sa mga eksperto, ang ghosting ay ang biglang pagtigil ng komunikasyon sa isang tao ng walang explanation, paraan upang tapusin o wakasan ang isang relasyon.
Kayo ba naranasan ninyo ito?
Iyong tipong maayos nang huling usapan tapos biglang ni “Ha o ni Ho”, naglaho?
Ano ney?
Pero teka, paano kung tayo ang nang-ghosting? Paano naman kaya kung ikaw ang nakagawa nito?
Sa anong pagkakataon o sitwasyon?
Bago tayo magreact alamin natin ang mga rason kung bakit, there are things better left unsaid?
Itinanong natin kay Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, psychiatrist, ang tungkol dito at ang sabi niya dapat maalala natin ang human behavior ay complicated.
Kung iisipin maraming factors but interrelated ang reasons kung bakit left unsaid ang mga bagay-bagay.
Ang nangyayari hindi lang iisa ang dahilan, maaaring sabay-sabay.
May kinalaman ito sa personalidad.
Una, hindi mo masabi ang saloobin lalo pa nga at makasasakit ng damdamin, makaka-disappoint ng iba.
Ikalawa, may ibang tao na pinili na gawin ang “white lies”.
Ang ganitong desisyon is a form of protection para sa kanilang sarili.
Kung ang naunang nabanggit ay para hindi makasakit ng iba.
Ito naman ay para hindi masaktan ang sarili.
Nilinaw niya na dito pumapasok ang pagiging dynamic ng tao upang iwasan ang “hurtful experience”.
It is a mode of handling problems kapag hindi na komportable to resolve conflicts.
Kapag ganito, kanino ang burden?
Ang sagot ni Doc, parehong apektado, inihalimbawa niya na may emotional impact sa na-ghosting at nag-ghosting.
Doon sa naiwan o biglang nawalan ng “friend” hindi maiwasan ang pakiramdam na siya ay ‘disposable’, nakakababa ng self-esteem, may self doubt, self blame.
Ang ganitong karanasan ay maaaring magresulta ng depression.
Maging ang tinatawag na “rumination”.
Ito ‘yung tinatanong mo ang sarili kung saan ka nagkamali o anong nagawa na hindi tama dahil left hanging nga.
Sa side naman ng nang-iwan, may personality na ramdam ang pressure, may guilt feelings.
Samantala, isinama na din natin ang tungkol sa health at financial situation.
Bakit hindi natin masabi sa pamilya?
Ang tugon ni Dr. Rifareal pagdating dito… hanggat maaari open ang line ng communication.
Kung meron tayong mabigat na karamdaman, huwag isekreto pagdating sa pamilya.
Mahalaga na may suporta galing dito.
Sa usaping financial problems.
May commitment tayo we should maintain it, hindi dapat mawala ang tiwala.
Mahalagang I-acknowledge ang feelings at situation.
Tandaan any form of loss ang tawag ay grieving process and this is normal.
Though it takes time, if we need to cry, then cry, better to feel the pain, hanggang makarating tayo sa healing process.
Magfocus tayo sa may kontrol tayo, kung tayo ang ‘victim’.
Hindi natin kontrol ang feelings, actions ng ibang tao, hayaan natin sila.
Mahalaga kung paano tayo magreact, paano harapin ang problema, learnnew skills.
Focus sa mga taong nagbibigay sa atin ng comfort, support at love.