Giannis hindi na makapaglalaro sa natitira pang regular season dahil sa injury
Kinumpirma ng Milwaukee Bucks na hindi na makapaglalaro si Giannis Antetokounmpo sa pinal na tatlong laro ng regular season, makaraang magtamo ng calf strain.
Si Antetokounmpo ay dumanas ng isang non-contact injury sa laban ng Bucks at Boston sa Fiserv Forum, na pinagwagian ng Bucks.
Sa kanilang medical update ay sinabi ng Bucks, na sumailalim ang 29-anyos na dating NBA Most Valuable Player sa isang MRI scan, kung saan nakumpirma ang strain sa kaniyang left soleus (calf).
Sa pahayag ng Bucks, “He will miss the remaining three games of the regular season and receive daily treatment and evaluation.”
Una nang iniulat ng Athletic, na lumitaw sa MRI na walang damage sa achilles tendon ni Antetokounmpo.
Si Giannis ay na-sideline noong isang buwan dahil sa sore Achilles.
Ayon kay Milwaukee coach Doc Rivers, “I think everyone probably feels the same way as I do right now. So we’re just going to hope for the best.”
Ang Milwaukee ay pangalawa sa Eastern Conference na may 48-31 record, at planong makuha ang second seed para sa playoffs sa Eastern Conference.