Gintong medalya, nasungkit ng Pilipinas sa World Gymnastics championship sa Germany
Si Carlos Edriel Yulo ang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya sa World Gymnastics championship sa Stuttgart, Germany.
Nauna nang na-qualify si Yulo sa 2020 Tokyo Olympics at siya rin ang kauna-unahang male Southeast Asian gymnast na nakasungkit ng gintong medalya sa pandaigdigang kompetisyon.
Naging lamang si Yulo ng 0.1 puntos laban sa silver medlaist na si Artem Dolgopyat ng Israel, habang si Xiao Ruoteng ng China ay nakakuha ng bronze sa Stuttgart.
Nakakuha si Yulo ng 15.330 points habang si Dolgopyat naman ay may 15.200 points at 14,933 points naman si Ruoteng.
Matatandaang noong nakalipas na taon, nakakuha ng bronze si Yuo sa competition na ginanap sa Doha, Qatar.
Si Yulo ay nagsimulang magsanay sa Japan noong 16 anyos pa lamang siya sa ilalim ni Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.