Global monkeypox cases, bumaba noong isang linggo – WHO
Inihayag ng World Health Organization (WHO), na ang mga kaso ng nonkeypox sa Europe ay bumaba noong isang linggo, ngunit ang outbreak ay nagkaroon ng “intense transmission” sa Americas.
Ayon sa WHO, partikular ito sa Latin America na ang itinuturong sanhi ay ang kakulangan ng “awareness at public health measures” upang makontrol ang pagkalat ng virus.
Batay sa dashboard ng WHO, mayroon nang 45,355 cases at 15 pagkamatay nitong taon sa nasa 96 na bansa.
Makaraan ang apat na sunod-sunod na linggong pagtaas, ang bilang ng monkeypox cases na bagong nai-report ay bumaba ng 21 percent nang nagdaang linggo kumpara sa naunang apat na araw, o 5,213 mula sa dating 5,907.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ‘In the early stages of the outbreak, most reported cases were in Europe, with a smaller proportion in the Americas. That has now reversed, with less than 40 percent of reported cases in Europe and 60 percent in the Americas.”
Dagdag pa niya, “There are signs that the outbreak is slowing in Europe, where a combination of effective public health measures, behaviour change and vaccination are helping to prevent transmission. However, in Latin America in particular, insufficient awareness or public health measures are combining with a lack of access to vaccines to fan the flames of the outbreak.”
Ang mga bansa na may mahigit isang libong kaso ay ang United States (15,877), Spain (6,284), Brazil (3,984), Germany (3,387), Britain (3,340), France (2,889), Peru (1,207), Canada (1,206) at ang Netherlands (1,136).
Ayon sa latest situation report ng WHO, may 23 bansa na nag-report ng pagtaas sa kanilang weekly number of cases. Iniulat naman ng Iran at Indonesia ang una nilang kaso sa nakalipas na pitong araw.
Labing-anim na mga bansa ang walang iniulat na mga bagong kaso sa loob ng higit 21 araw, na siyang maximum incubation period ng sakit.
Sinabi pa ng WHO, “The majority of cases were likely exposed in a party setting with sexual contacts. Among cases with known HIV status, 45 percent are HIV positive.”
© Agence France-Presse