Global sea levels tumaas dahil sa El Nino at pag-init ng klima – NASA
Sinabi ng NASA, na tumaas ng may 0.3 inches (0.76 centimeters) ang global average sea level mula 2022 hanggang 2023, halos apat na ulit na pagtaas mula sa nakalipas na taon dahil sa matinding El Nino at umiinit na klima.
Ang NASA-led analysis ay base sa mahigit 30 taon nang satellite observations, na ang initial satellite launching ay noong 1992 at ang pinakahuli ay noong 2020.
Sa pangkalahatan, ang sea levels ay tumaas ng humigit-kumulang apat na pulgada mula noong 1993.
Ang rate ng pagtaas ay bumilis din, higit na dumoble mula sa 0.07 pulgada bawat taon noong 1993, hanggang sa kasalukuyang rate na 0.17 pulgada bawat taon.
Sinabi ni Nadya Vinogradova Shiffer, direktor para sa NASA sea level change team at ocean physics program sa Washington, “Current rates of acceleration mean that we are on track to add another 20 centimetres of global mean sea level by 2050.”
Aniya, dodoblehin nito ang laki ng pagbabago sa susunod na tatlong dekada kumpara sa naunang siglo, na lilikha ng isang hinaharap kung saan magiging mas madalas at mapaminsala ang mga pagbaha kaysa ngayon.
Ang agarang sanhi ng pagtaas ay ang El Nino weather effect, na pumalit sa La Nina mula 2021 hanggang 2022, nang ang sea level ay tumaas ng humigit-kumulang 0.08 inches.
Ang El Nino ay nagdudulot ng mas mainit kaysa karaniwang ocean temperatures sa equatorial Pacific.
Ayon kay Josh Willis, isang sea level researcher sa Jet Propulsion Laboratory (JPL) ng NASA, “In El Nino years, a lot of the rain that normally falls on land ends up in the ocean, which raises sea levels temporarily.”
Ngunit mayroon ding malinaw na ebidensiya na may bahagi ang mga tao sa takbo ng nabanggit na pagtaas.
Sinabi naman ni Ben Hamlington, lider para sa sea level change team sa JPL ng NASA, “Long-term datasets like this 30-year satellite record allow us to differentiate between short-term effects on sea level, like El Nino, and trends that let us know where sea level is heading.”
Ang mga makabagong teknolohiya ay nagbigay-daan para sa mas tumpak na mga sukat sa paglipas ng mga taon. Halimbawa, sa pamamagitan ng radar altimeters ay nagba-bounce ang microwaves mula sa ibabaw ng dagat, pagkatapos ay inire-record nito ang oras na magugugol para maglakbay pabalik sa satellite, pati na rin ang lakas ng bumalik na signal.
Nagsagawa rin sila ng cross-checking ng kanilang data sa iba pang sources gaya ng tide gauges at satellite measurements ng atmospheric water vapor at gravity field ng Mundo.