Globe may libreng SMS blasts sa mga lugar sa Palawan, Visayas at Mindanao na naapektuhan ng Odette
Magbibigay ng libreng SMS blasts ang Globe Telecom sa mga lugar sa Palawan, Visayas at Mindanao na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ang programa ay sa pamamagitan ng kanilang portfolio company M360.
Ayon kay Ramon Hirang, Chief Executive Officer ng M360, ang libreng serbisyo ay maaaring ilatag sa sandaling mabuo ang kasunduan sa mga LGUs.
Ang libreng SMS blasts ay gagawin sa loob ng 30 araw o hanggang Pebrero 28,2022 para sa mga lugar na naibalik na ang wireless networks.
Sa kasalukuyan, ang Globe ay nakapagbigay na ng libreng serbisyo sa mga pangunahing LGUs na labis na sinalanta ng bagyo, kabilang ang Iloilo, Cebu, Bogo, Mandaue, Lapu-Lapu, Cordova, Danao, Bohol, Surigao Del Sur, Surigao del Norte, Southern Leyte, at Palawan.
Bahagi aniya ito ng kanilang advocacy na lumikha ng resilient communities sa panahon ng krisis gamit ang pinakabagong teknolohiya at matiyak ang kahandaan ng publiko.
Binuo ang programa bilang suporta sa nagpapatuloy nitong typhoon-related efforts matapos ang pananalanta ng bagyong Odette.
Madelyn Moratillo