Gobert suspendido ng isang laro matapos manuntok ng teammate
Sinuspinde ng Minnesota Timberwolves ng isang laro si Rudy Gobert dahil sa panununtok sa isa niyang teammate, kaya hindi na siya makasasama sa laban ng koponan kontra Los Angeles Lakers.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Minnesota na si Gobert ay hindi na bibiyahe sa Los Angeles para sa laban nila kontra Lakers, na ang mananalo ay magkakaroon ng isang postseason berth.
Ayon sa Timberwolves, “The Minnesota Timberwolves today announced the team has suspended center Rudy Gobert for one game following yesterday’s incident.”
Si Gobert ay ibinangko ng Timberwolves sa panahon ng laban nito kontra New Orleans na kanilang napanalunan sa score na 113-108, matapos ang nakabibiglang insidente sa second quarter nang suntukin niya ang teammate na si Kyle Anderson.
Ang dalawa ay sapilitang pinaghiwalay ng Timberwolves players, at si Gobert ay hindi na pinatuloy sa paglalaro.
Kalaunan ay humingi ng paumanhin ang French center kaugnay ng insidente, kung saan sinabi nitong nadaig siya ng kaniyang emosyon.
Ayon sa tweet ni Gobert, “I should not have reacted the way I did regardless of what was said. I wanna apologize to the fans, the organization and particularly to Kyle, who is someone that I truly love and respect as a teammate.”
© Agence France-Presse