Gobyerno, hindi maaring pilitin ang Publiko na magpabakuna – Sen. Pimentel
Hindi raw maaring pilitin ng gobyerno ang publiko na magpabakuna laban sa COVID- 19.
Kasunod ito ng suhestyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mag- isyu ng vaccine passport para sa mga nabakunahan pa na magagamit sa pagpasok sa mga mall at iba pang business establishment.
Pero ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel na isang abugado lilitaw na diskriminasyon ito para sa mga walang bakuna.
Hindi naman aniya maaring pwersahin ang sinuman na magpabakuna lalo’t nasa trial stage pa lamang ang lahat ng bakuna sa buong mundo.
Bukod dito may mga taong wala namang karamdaman o COVID-19 kaya tumatangging magpasok sa kanilang katawan ng kemikal habang mayroong hindi talaga magka qualify dahil sa kalusugan o relihiyon.
Unfair din ito para kay Senador Imee Marcos Ang pag-iisyu raw kasi ng pass ay katumbas ng pwersahang pagpapabakuna.
Hindi aniya ito maaring gawin ngayong kakaunti pa ang suplay ng bakuna sa bansa.
Katunayan ay halos dalawang milyon pa lang ang nababakunahan na katumbas ng point 28 percent ng kabuuang 70 percent na dapat mabakunahan.
Meanne Corvera