Gobyerno hinikayat na magdeklara ng climate emergency

Nanawagan ang grupong Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa gobyerno na magdeklara na ng climate emergency.

Giit ng grupo kailangan na umanong kumilos ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa naka-ambang malaking problema dulot ng climate change.

Nangangamba ang grupo kasunod ng babala ng United Nations na kakaunting panahon na lamang umano ang natitira para labanan ang problema sa climate change.

Apila rin nila sana ay matigil na ang paggamit ng fuel generation plant mailunsad ang malawakang pagpapatupad ng renewable energy sa bansa.


Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *