Gobyerno hinimok na mag-invest na lang sa infrastructure sa halip na bumuo ng Maharlika Investment Fund
Iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na mag- invest sa imprastraktura kung nais talagang mapalago ang ekonomiya.
Ito ang iginiit ni Cayetano matapos kwestyunin ng mga Senador ang umano’y hindi pinag- aralang maharlika investment fund bill.
Ayon sa Senador sa halip na ipilit ng malacanang ang MIF, simulan na lang ang investment sa mga infrastructure gaya ng skyway at espressways na sigurado ang kita.
Marami rin aniyang oportunidad sa stock market lalo na sa mga bonds na hindi naman nalulugi.
Dahil aniya sa pagpupursige ng Malacañang, hindi aniya maalis ang duda kung ano talaga ang intensyon ng panukala.
Meanne Corvera