Gobyerno , may pondo pa na maaring gamitin sa pagtulong sa mga apektado ng Bagyong Odette
May pondo pa raw na maaring hugutin ang Malakanyang para sa mga biktima ng bagyong odette.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, aabot pa sa 1.44 trillion pesos ang hindi pa nagagamit na pondo sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ang pondong ito aniya ay nakapark sa mga proyekto sa pitong ahensya ng pamahalaan.
Batay aniya sa annual financial report noong 2020, 1.1 billion pesos sa pondo nakapending sa proyekto para sa labindalawang state colleges and universities.
Bukod pa rito aabot sa 3,283 na mga proyekto ng DPWH na nagkakahalaga ng 108 billion ang nadiskubreng mga kulang kulang.
Sinusuportahan ni Senador Ping Lacson ang pahayag ni Drilon.
Sinabi ni Lacson , maaring ilipat ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga probinsyang matinding hinagupit ng bagyo.
Maari rin aniyang gastusin ang pondo para sa pagbili ng karagdagang mga bakuna laban sa COVID-19.
Meanne Corvera