Gobyerno, nagbabala na malamang na magkaroon pa ng landslides sa Papua New Guinea disaster site
Nagbabala ang mga awtoridad sa Papua New Guinea, na may “mataas na kalamangan” na magkaroon pa ng mga landslide sa lugar na pinangyarihan kamakailan ng nakamamatay na sakuna.
Dahil dito ay iginiit ng mga eksperto ng gobyerno na lisanin na ng mga tao roon ang lugar.
Nakasaad sa isang draft ng internal report ng mining and geohazards department ng Papua New Guinea, na ang highland community kung saan daan-daan ang pinangangambahang namatay noong May 24 dahil sa nangyaring malaking landslide, ay dapat nang ideklara bilang isang “no-go-zone.”
Ayon pa sa draft, “There is a ‘high likelihood of further landslides’ to occur in the immediate future. Any access to the area should be restricted to experts.”
Sumuko na ang rescue workers na may makikita pang survivors sa 600 metrong haba (1,970 talampakan) ng lupa, boulders at debris na iniwan ng landslide sa Mount Mungalo, sa central Papua New Guinea.
Subalit 12 araw pagkatapos ng sakuna, naghuhukay pa rin sa putikan ang mga lokal na residente, at inaangat ang mga bato sa pag-asang makita ang mga mahal sa buhay.
Sa ngayon, ay nagbabala ang mga geologist at iba pang government experts, na ang recovery efforts ay maaaring mag-trigger ng isa pang landslide, kaya ang relokasyon o paglipat ng villagers ay dapat na “non-negotiable.”
Partikular na ipinangangamba na ang paggamit sa mga bagong dating na heavy machinery, ay magdulot ng pagbagsak ng malalaking bato mula sa itaas.
Babala sa report, “Movement or vibration from the machinery will set these boulders into motion.”
Locals react during search and rescue efforts at the site of a landslide at Yambali village in the region of Maip Mulitaka in Papua New Guinea’s Enga Province on May 29, 2024. Agence France-Presse
Sa pagtaya ng mga lokal na awtoridad, 7,849 katao ang naninirahan sa dalawang wards na tinamaan ng sakuna.
Sa local customs ay malaki ang ibinibigay na importansya sa pagbawi sa mga bangkay, at ang lugar ay lantad din sa inter-tribal violence.
Ayon kay Justine McMahon mula sa CARE Papua New Guinea, “Any order to evacuate would be ‘highly sensitive and complex.’ Because not only of people’s connection to country (land) but also because new people moving in has an impact on local dynamics.”
Sa inisyal na taya ng gobyerno ng Papua New Guinea, aabot sa dalawang libo ang maaaring nalibing sa nangyaring landslide noong isang buwan, bagama’t kamakailan ay sinabi ng mga lokal na opisyal na daan-daan lamang ang mga biktima.
Siyam na bangkay pa lamang ang narekober, ayon sa local health authorities.
Samantala, nagtayo na ng ilang tents ang mga aid agency sa paligid ng landslide site upang makapag-deliver ng first aid at pagkain.
Ngunit ang malawakang pagsagip at mga pagsisikap sa pagtulong ay lubhang nahadlangan ng liblib na lokasyon ng site, tribal violence at landslide damage na naging sanhi upang maputol ang road links.
Sinabi pa ni McMahon, “Supplies were slowly making their way to the site, but concerns remained about ensuring access to clean and safe water. Water is a big concern because the landslide covered the communities’ main water source.”
Ang Papua New Guinea ay isa sa “most disaster-prone regions” ng mundo, at ang landslides ay lubhang karaniwan sa kanilang mga highland.
Ang government report, na may petsang June 3, ay magkatuwang na binuo ng isang team ng geologists, geo-engineers at geohazards experts.