Gobyerno posibleng kumuha ng mga dayuhang manggagawa para sa build, build, build program nito
Posibleng kumuha ng mga dayuhang manggagawa ang gobyerno para sa mga gagawing proyekto sa ilalim ng build, build, build program ng Duterte administration.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ito ay dahil ngayon pa lamang ay nahihirapan na ang mga construction companies na kumuha ng mga manggagawa.
Aniya, hindi maaaring maantala ang konstruksyon ng pitumpu’t limang (75) malalaking proyekto ng gobyerno kaya ikinukonsidera ang pagkuha ng kakulangang mga manggagawa mula sa mga bansang tulad ng India at Pakistan.
Tinukoy ni Diokno na kinakailangan ng dalawang (2) milyong trabahador sa itatayong walong (8) trilyong pisong halaga ng infrastructure program ng administrasyon.