Golden Globes, magbabalik matapos ang Hollywood boycott
Tatangkain ng Golden Globes, na muling magtanghal ng isang celebrity-filled comeback ngayong Martes, kung saan ang mga pelikula mula sa “The Fabelmans” ni Steven Spielberg hanggang sa sequels ng “Top Gun” at “Avatar,” ang maglalaban-laban para sa top honors.
Ang Golden Globes ay tradisyunal na may mahalagang papel sa pagsisimula ng movie awards season, ngunit tinanggal ito noong nakaraang taon sa gitna ng mga kontrobersya sa ethical lapses at kakulangan ng diversity sa Hollywood Foreign Press Association (hfpa), na siyang nag-o-organisa ng Beverly Hills gala.
Ngayong taon, kasunod ng mga pagsisikap na repormahin ang HFPA na dati ay walang Black members, ay ipalalabas ng NBC ang 80th Golden Globe Awards sa isang one-off basis, at ang mga imbitasyon ay naipadala na sa mga pinakamaniningning na bituin ng Tinseltown.
Ang A-listers na inaasahang dadalo sa ballroom sa Beverly Hilton ay kinabibilangan ni Spielberg, na ang semi-autobiographical film ang paboritong manalo bilang best drama, at si Eddie Murphy, na tatanggap ng isang career achievement award.
Ang komedyanteng si Jerrod Carmichael naman ang magiging host ng seremonya, at si Quentin Tarantino ay kabilang sa presenters. Gayunman, marami pa ring top nominees ang hindi pa nagkukumpirma ng kanilang pagdalo.
Sinabi ng Deadline awards columnist na si Pete Hammond, “This year’s Globes is going to be ‘different’ from the glitzy, hard-partying, seen before COVID and industry boycotts interrupted the merrymaking. They are going to be muted. There’s no after-parties to go to. There’s none of that. They’re not spending big bucks, the studios, on all of this.”
Hindi tulad ng Oscars, ang Golden Globes movie awards ay nahahati sa pagitan ng “drama” at “comedy” o “musical” categories.
Sa drama side, makikipagkumpetensiya ang “The Fabelmans” sa dalawang pinakamalaking box office hits ng nagdaang taon, ang blockbuster sequel na “Top Gun: Maverick” na kinatatampukan ni Tom Cruise, at ang “Avatar: The Way of Water” ni James Cameron.
Sinabi naman ng “The Whale” nominee na si Brendan Fraser, na nagparatang na dati siyang nakaranas ng sexual assault sa isang dating HFPA president, na hindi siya dadalo sa gala, at malamang na hindi rin pumunta si Cruise, na producer ng “Top Gun: Maverick,” matapos niyang isauli ang tatlong Globes sa HFPA noong 2021 bilang protesta sa inuugali nito.
Pinakamarami namang nakuhang nominasyon ngayong taon ang “The Banshees of Inisherin” na mayroong walo, at isa ring paborito para manalo ng best comedy, maging ng best comedy actor para kay Colin Farrell.
Makakalaban nito ang surreal, multiverse-hopping sci-fi film na “Everything Everywhere All At Once,” na naghahangad ng acting prizes para kay Michelle Yeoh, Jamie Lee Curtis at Ke Huy Quan.
Sa nakalipas na mga taon, ang tagumpay sa Globes ay isang potensyal na gabay para sa mga pelikulang umaasang manalo ng Oscars, at nagsisilbing mahalagang tool sa marketing.
Sa katunayan, ang Academy voters ay magsisimula nang bumoto para sa mga nominasyon sa Oscar sa Huwebes, ilang araw pagkatapos ng Globes gala.
Ngunit ang pagdaragdag ng higit sa 100 bago, mas magkakaibang lahi ng Globes voters, na hindi naman full HFPA members, ay lalong nagpahirap para mahulaan kung sino ang papapanalunin ng grupo ng mga dayuhang mamamahayag.
Ayon kay Hammond, “Some in the industry privately yearn for the old Globes to return because the show is an important “cog in the wheel of awards season” which has “been around Hollywood” for 80 years. You can’t buy tradition. But rows over diversity, alleged corruption and lack of professionalism have “lessened” the Globes sheen when it comes to influencing the Oscars. When every (Globes) story talks about the scandal… it doesn’t make it as credible, I think, to the Oscar voters.”
© Agence France-Presse