Google hindi tatanggap ng campaign ads para sa Philippine elections sa 2022
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec), na hindi tatanggao ng political advertisements ang isang online search engine sa panahon ng kampanya simula sa Pebrero ng susunod na taon, para sa gaganaping halalan sa Pilipinas.
Banggit ang Google, sinabi ng Comelec na . . . “All electoral and political advertisements in relation to the upcoming 2022 National and Local Elections will be paused across all Google platforms at the start of the campaign period. Google will not accept election advertisements in the Philippines that are purchased through Google Ads, Display and Video 360, and Shopping platforms that advertisers intend to place: on Google, YouTube, and partner properties.”
Ayon sa Comelec, itutuon ng search engine giant ang kanilang “efforts and resources” sa election-related initiatives na naglalayong tulungan ang publiko na maka-access sa “useful and accurate” information sa pamamagitan ng kanilang product features at media literacy program, himukin ang publiko na makilahok sa election process, at tumulong sa pagprotekta sa integridad ng halalan.
Base sa Calendar of Activities na ipinalabas ng Comelec, ang simula ng campaign period ay sa Feb. 8, 2022 para sa national candidates, at March 25, 2022 para sa local candidates.
Sa panahon ng voter registration period, sinuportahan ng Google ang kolaborasyon sa pagitan ng Comelec, MullenLowe TREYNA at ng Dashboard Philippines para sa magparehistroka.com site, na nagho-host ng website sa Google Cloud at nagpo-promote nito sa kanilang social media pages.