Grain deal, pinalawig ng Russia at Ukraine sa kabila ng matinding labanan
This handout picture taken on May 16, 2023 and released on May 17, 2023 by the Press Service of the Ukrainian Foreign Affairs Ministry, shows Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba (5thL) and China’s special envoy Li Hui (4thR) attending a meeting during their talks in Kyiv. Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba emphasised the importance of his country’s territorial integrity in a meeting with China’s special envoy Li Hui, his ministry said on May 17, 2023. (Photo by Handout / Ukrainian Foreign Ministry press-service / AFP)
Sumang-ayon ang Russia at Ukraine na palawigin ang isang kasunduan na nagpapahintulot sa grain exports sa buong Black Sea, isang bihirang halimbawa ng kooperasyon habang nagpapatuloy ang digmaan kung saan ang isa sa mahalagang Patriot anti-missile system ng Kyiv ay nakumpirmang nasira.
Ang grain deal ay tinanggap ng United Nations at United States, bagama’t kapwa nanawagan para sa higit na katiyakan sa exports dahil ang Russia ay nagbanta na tatapusin na ang kasunduan, na mahalaga sa pandaigdigang seguridad sa pagkain.
Ang kasunduan ay nangyari habang ang foreign minister ng Ukraine ay nakipagpulong sa special envoy ng China sa Kyiv, at iginiit na ang kanilang bansa na nasira ng digmaan ay hindi tatanggap ng anumang planong pangkapayapaan na ang magiging kapalit ay ang pagsusuko nito ng teritoryo.
Ang Tsina, na isang malapit na kaalyado ng Moscow, ay hindi hayagang kinondena ang pagsalakay ng Russia, at hangad ng envoy na si Li Hui na isulong ang mga negosasyong pinamunuan ng Beijing upang malutas ang tunggalian.
Sa pahayag ng ministry, “In his meeting with Li, Foreign Minister Dmytro Kuleba stressed ‘Ukraine does not accept any proposals’ that would involve the loss of its territories or the freezing of the conflict.”
Mula nang salakayin ng Russia, ang mga sandata ng Kanluran na karamihan ay mula sa Estados Unidos, ay bumuhos sa Ukraine kabilang ang Patriot systems, upang tumulong na protektahan laban sa walang tigil na pag-atake ng missile na tinatarget ang mga sibilyan at imprastraktura.
Kinumpirma ng US officials, na isa sa dalawang Patriot system na nakumpirmang nasa Ukraine ay nasira nang hindi natukoy na projectile landing, bagama’t sinabing gumagana pa rin naman ito.
Sinabi ng Russian defense ministry noong Martes na tinamaan ng mga pwersa nito ang isang Patriot system sa Kyiv gamit ang isang Kinzhal hypersonic missile, ngunit hindi ito nakumpirma.
Ang mga air defense ng Ukraine ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa bansa mula sa mga strike at pagpigil sa mga puwersa ng Moscow na makontrol ang himpapawid.
Ngunit habang ang Russia ay nahaharap sa dumaraming mga ground setbacks, ay sinimulan naman nito ang air attacks na pumutol sa suplay ng tubig at kuryente sa milyun-milyong tao.
Inanunsiyo ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, na may pangunahing papel sa grain deal, ang dalawang buwang pagpapalawig, at sinabing sumang-ayon ang Russia na huwag harangan ang mga barko sa pag-alis sa dalawang daungan ng Ukraine.
Ayon naman kay UN Secretary-General Antonio Guterres, “These agreements matter for global food security; Ukrainian and Russian products feed the world. I hope we will reach a comprehensive agreement to improve, expand and extend the initiative.”
Ang Russia ay paulit-ulit na nagbanta na aatras sa kasunduan, na dapat ay mag-e-expire na nitong Huwebes, Mayo 18, at noong Miyerkoles naman ay tinuligsa ang “paiba-ibang” mga paraan ng pagpapatupad nito.
Inakusahan naman ng Kyiv ang Russia ng pagharang sa mga barko nito, sa pamamagitan ng pagtanggi na i-rehistro ang mga ito at pagsasagawa ng mahahabang inspeksyon.
Sinabi ni US National Security Advisor Jake Sullivan, “It’s a good thing that (the deal) has been extended. Unfortunately, Russia continues even in a moment of extension to rhetorically hold it hostage in various ways.”
Samantala, patuloy naman ang mga labanan para makontrol ang eastern town ng Bakhmut.
Hinahangad ng Ukraine na bawiin ang teritoryong inookupahan ng mga pwersang Ruso pagkatapos ng pagsalakay noong Pebrero 2022, at mga lugar din na inagaw ng Russia noong 2014.
Ang labanan para sa Bakhmut ang naging pinakamahabang standoff ng digmaan. Sinasabi na ngayon ng Ukraine na umaabante na sila sa lugar, at muli nang nakukuha ang mga posisyon sa labas ng bayan ng Bakhmut.
Bilang tanda ng epekto ng labanan sa ekonomiya ng Russia, sinabi ng statistics agency na Rosstat, na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lumiit ng 1.9 porsyento sa unang quarter ng 2023.
Ang ekonomiya ay pinabigat ng isa pang Western sanctions, kabilang na ang ban ng European Union sa mga produktong petrolyo ng Russia, bukod pa sa limitasyon sa presyo ng langis o oil price cap na napagkasunduan kasama ang G7 at Australia.
At sa Iceland, sa isang pulong ng mga pinuno ng Europa ay napagkasunduan na magtatag ng isang “register of damages” upang itala ang pagkawasak na ginawa ng Russia.
Binuo ng 46 na bansang Konseho ng Europa, magse-set up ito ng rekord bago ang posibleng pag-uusig sa mga pinuno ng Russia, at naglatag ng batayan para sa potensyal nilang pananagutan.