Grease’ star Olivia Newton-John pumanaw sa edad na 73
Pumanaw na sa edad na 73 ang singer na si Olivia Newton-John, na sumikat sa buong mundo bilang si Sandy, ang high school sweetheart sa hit musical movie na “Grease” makaraan ang 30 taong pakikipaglaban sa breast cancer. kung saan ito ay kumalat na sa kaniyang spine at umabot sa stage 4 noong 2018.
Sa official social media account ni Olivia, na ipinost ng kanyang asawang si John Easterling, “Newton-John passed away peacefully at her ranch in Southern California this morning, surrounded by family and friends.”
Ang mga huling taon ng kaniyang buhay ay ginugol ng multiple Grammy-winning entertainer, na ang career ay umabot ng higit limang dekada, kabilang ang chart-topping songs gaya ng “Physical,” sa mga charity, nang una siyang ma-diagnose na may breast cancer noong 1992.
Si Newton-John ay nakilala sa kaniyang papel bilang Sandy sa 1978 musical na “Grease” katambal ni John Travolta na ginampanan naman ang papel ni Danny, kung saan patuloy siyang minahal ng mga audience sa buong mundo kahit tapos nang ipalabas ang musical.
Tatlong dekadang namalagi bilang highest-grossing musical ang Grease, habang si Olivia at John ay napanatili rin ang malapit na relasyon sa matagal na panahon pagkatapos nilang gawin ang pelikula.
Isinilang sa Cambridge, England noong 1948, si Olivia ang pinakabata sa tatlong magkakapatid. Apo siya ng Nobel Prize-winning physicist na Max Born.
Dahil sa pagiging mahiligin sa musika, nakapag-perform si Olivia sa ilang Australian TV shows noong siya ay teenager, bago lumipat sa England noong 1960s kung saan nag-team up sila ng kapwa Australian performer na si Pat Carroll sa UK pub and club circuit.
Simula 1970s, ilang dekada siyang namayani sa international charts sa pamamagitan ng kaniyang folk, country at pop songs, na nanalo ng apat na Grammys mula sa 12 career nominations.
© Agence France-Presse