Greatest rock’n’roll showman na si Mick Jagger, aktibong-aktibo pa rin kahit mag-o-otsenta anyos na
Sa kaniyang kaarawan bukas (Miyerkoles) ay otsenta anyos na si Mick Jagger, subalit tila wala pa rin itong balak na “mag-slow down” sa kaniyang career.
Ang frontman ng bandang Rolling Stones ay bigay na bigay pa rin sa kaniyang performances sa harap ng umaapaw sa taong mga concert venue, kung saan kamakailan lamang ay nagkaroon sila ng European tour upang ipagdiwang ang ika-60 anibersayo ng grupo.
Si Jagger ay sumailalim sa isang heart valve replacement noong 2019, ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang running, kick-boxing, cycling at yoga regime na nagpapatunay lamang kung gaano ka-energetic ang singer.
Si Jagger na ang tunay na pangalan ay Michael Philip Jagger ay isinilang noong July 26, 1943, sa Dartford, sa timog ng London.
Siya ay naging “Sir Mick” noong 2002 matapos siyang gawing isang knight ni Queen Elizabeth II, kung saan malimit din siyang makita sa Lord’s, na nanonood sa England cricket team.
Noong isang taon ay nagawa ring makumpleto ng banda ang kanilang 14-date “Sixty” tour, bagama’t napilitan silang kanselahin ang isa sa mga ito matapos tamaan ng Covid si Jagger.
Dahil sa kanilang mga awitin gaya ng “Jumpin’ Jack Flash,” “Gimme Shelter,” at “Not Fade Away,” ang banda ni Jagger ang nagbigay daan sa cultural at social explosion noong 1960s.
Noong 1965 ang banda ay nagkaroon ng kanilang unang smash hit na “(I Can’t Get No) Satisfaction.”
Sinundan ito ng serye ng napakalalaking hit sa loob ng limang dekada, kabilang ang “Brown Sugar,” “Honky Tonk Women,” at “Paint It Black.”
Ayon sa Sunday Times Rich List 2021, si Jagger ay kumita na ng £310 million o $400 million.