Green Tea, mabuti sa kalusugan ayon sa eksperto

Marami na sa mga Pinoy ang nahihilig na uminom ng tsaa.


Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Nutritionist/Dietitian, mainam ito dahil maraming benepisyo sa kalusugan ang naidudulot ng pag inom ng tsaa.


Sinabi ni Dr. Agdeppa na maraming uri ng tsaa – may green, black, peppermint, lavender at chamomile tea, pero ang pinaka-popular sa mga ito ang green tea.


Batay aniya sa maraming pananaliksik ang regular na pag-inom ng green tea araw-araw ay makatutulong ng malaki sa pagbabawas ng timbang.


Nakahahadlang din ito sa iba’t ibang uri ng mga tinatawag na noncommunicable diseases tulad ng diabetes, heart disease at ilang uri ng cancer.

Payo ni Agdeppa, kung kaya rin lang ng budget, mas mainam na isama sa inumin ang green tea upang tamuhin ang mga benepisyong pangkalusugan na dulot nito.


Dagdag pa ng naturang eksperto, dahil uso na rin ang milk tea ngayon na kinahihiligan na rin ng mga Pinoy lalo na ang mga kabataan, ipinapayo ni Agdeppa na maghinay-hinay lang dahil may mga sangkap ito na maaaring makapagpataas ng calories at maging ng blood sugar level.


Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *