Grocery Bus sa Germany
Sa western German village ng Lohne, kung saan ang nag-iisang grocery store ay nagsara na sa unang bahagi ng taong ito, ang mga residente doon ay namimili na ngayon ng pagkain sa loob ng isang red-and-green supermarket bus na nagpupunta sa main square minsan sa isang linggo.
Sa loob ng 90 minuto, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga naninirahan sa lugar na bumili ng kanilang mga pangangailangan, nang hindi na kailangan pang sumakay ng kotse at bumiyahe papunta sa pinakamalapit na tindahan.
Ang supermarket-on-wheels ay isang pilot project sa pagitan ng ikatlong pinakamalaking retailer ng pagkain sa Germany, ang REWE, at ng Deutsche Bahn rail and transport company.
Nagsimulang bumiyahe ang bus sa ruta nito noong Marso, upang serbisyuhan ang rural villages sa estado ng Hesse na ang brick-and-mortar stores ay nagiging isa nang pambihirang tanawin, kung saan ang ilan sa mga lugar ay naging tila “food deserts” na.
Para sa halos 600 mga naninirahan sa Lohne, kung saan ang mga balkonahe ay napapalamutian ng makukulay na geranium, ang pagdating ng REWE shopping bus ay isang magandang tanawin pagkatapos tuluyan nang magsara ang nag-iisang mini-mart doon.
Ayon sa 90-anyos na si Inge Nehreng, na naglalakbay ng tatlong kilometro sakay ng kaniyang electrike trike para pumunta sa lugar kung saan nakahimpil ang grocery bus, “I can get the basics here. If I need something special, I go to a department store.”
The 18-metre (60-feet) long bendy bus carries over 950 everyday products © ANDRE PAIN / AFP
Nakahimpil sa village square, ang 18-metro (60-talampakang) habang bendy bus ay nagdadala ng mahigit 950 pang-araw-araw na mga produkto.
Ang mga sariwang prutas at gulay ay naka-display sa labas ng bus, habang nasa loob ang mga pagpipilian mula sa mga pagkain hanggang sa sigarilyo, pahayagan, sabon, condom at iba pa.
Sinabi ng 34-anyos na si Yasmine Schneider na namimili kasama ang anak na si Felix, “The only things missing are nappies and wet wipes.”
Ang mobile supermarket ay naging isang sikat na lugar na rin ng mga pagkikita, isang pagkakataon para sa karamihan ay matatandang residente na magkakuwentuhan habang ginagawa ang lingguhan nilang pamimili.
Sabi ng 85-anyos na si Ursula Sauer na mag-isa na lamang sa buhay, “After shopping, we sit on a bench and talk a bit.”
Mula Lunes hanggang Sabado, bumibiyahe ang supermarket bus sa 600 kilometrong ruta, na humihinto sa 23 vilages.
Ayon kay Joern Berszinski na siyang namamahala sa supermarket bus, “The prices on board ‘are the same’ as in the REWE supermarkets.”
Sa Deutsche Bahn galing ang driver para sa proyekto, habang ang onboard cashier ay empleyado naman ng REWE.
Sa kabila ng “appeal” nito, hindi pa malalaman sa ngayon kung gaano kaganda ang kikitain ng naturang bus service.
Sinabi ni Berszinski, “It takes three years for a stationary shop to turn a profit, the bus could also take a few years.”
Si Berszinski ay 30 taon nang nagpapatakbo ng mga franchise sa ilalim ng REWE.
From Monday to Saturday, the bus covers a 600-kilometre route, stopping at 23 villages © ANDRE PAIN / AFP
Ang pangunahing selling point para sa mobile supermarket, ay maaaring maabot ng REWE ang mas maraming customers sa pamamagitan ng “single sales team.”
Ayon kay Frank Klingenhoefer na siyang in-charge sa mobility services sa Deutsche Bahn Regio, “At a time when there’s a shortage of skilled workers, that’s an advantage.”
Ayon sa EHI research group, Ang bus project ay hindi nakalampas sa paningin ng Germany, kung saan halos 2,000 supermarkets na wala pang 400 metro kuwadrado (4,300 square feet) ang sukat ang nagsara na sa nakalipas na dekada.
Sinabi ni Klingenhoefer, “Many communities in other regions have expressed an interest.”
Plano ng REWE supermarket group na hintayin ang pagtatapos ng pilot project sa March 2025, bago magpasya kung palalawakin pa nila ito.
Ang Deutsche Bahn ay mayroon nang walong “medical buses” na tumatawid sa mga kanayunan upang tulungan ang tumatanda nang populasyon sa mga malalayong lugar sa Germany.
Nagpaplano rin ito na magkaroon ng isang bus para sa banking services.
Ayon pa kay Klingenhoefer, “I could imagine services like shoe and clothing repairs on wheels as well, anything ‘where the needs of a single village are too small’ to justify a brick-and-mortar investment.”