Groundbreaking sa Tourist Rest Area, isinagawa sa Bukidnon ngayong araw
Bahagi ng pagpapalakas sa industriya ng turismo at pagpapaganda sa tourism experience sa ilalim ng Gobyernong Marcos, magtatayo ang Department of Tourism (DOT) ng Tourist Rest Areas sa 10 lugar sa bansa.
Isa sa pagtatayuan ng mga Tourist Rest Area ay sa Manolo Fortich, Bukidnon.
Ngayong araw ang groundbreaking sa itatayong rest area na pangungunahan ni Tourism Secretary Christina Frasco.
Ang Bukidnon na tinaguriang food basket ng Mindanao ay bahagi ng tourism circuit sa Northern Mindanao o Region 10.
Partikular ang Cagayan de Oro-Bukidnon agri-tourism circuit .
Ilan sa tourist destinations sa nasabing tourism circuit ay ang pirate- themed at isang world- class water park resort sa CDO.
Maliban sa mga plantasyon ng pinya sa Bukidnon y maaaring dayuhin ng mga turista lalo na ng eco adventurers ang adventure at forest park sa Brgy Dahilayan sa Bukidnon.
Gayundin ang Kampojuan Eco Adventure Park kung saan matatagpuan ang The Heritage House na tourist lodging at museum na puno ng historical artifacts at art pieces.
Moira Encina