Grupo binuo para tutukan ang umano’y ‘krisis’ sa Negros Oriental– Remulla
Bumuo na ng inter-agency task force ang Malacañang na tututok sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ipinatawag ang DOJ ng Palasyo kasama ang iba pang ahensya na kasama na hahawak sa umano’y krisis sa Negros Oriental.
Kasama ng DOJ sa binuong grupo ang NBI, PNP, DILG, AFP, at Office of the Executive Secretary.
Si Interior Secretary Benhur Abalos aniya ang inatasan na mamuno sa grupo.
Ayon kay Remulla, nagpulong sa Malacañang ang task force para sila ay maging coordinated sa pagtugon sa pangyayari sa probinsya.
Tinalakay aniya sa pagpupulong ng grupo ang pagtiyak na maibabalik ang kapayapaan at kaayusan sa Negros Oriental.
Naniniwala naman si Remulla na posibleng nasa tatlo o apat ang utak ng Degamo killing na nagkuntsabahan.
Moira Encina