Grupo ng mga abogado, hiniling sa SC na patawan ng indirect contempt si dating NTF- ELCAC Spox Badoy
Nais ng grupo ng mga abogado na ipa-contempt ng Korte Suprema si dating NTF- ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy.
Ito ay bunsod ng sinasabing pagbabanta ni Badoy sa social media post nito kay Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza- Malagar.
Si Malagar ang nagbasura sa petisyon ng DOJ na ideklarang teroristang grupo ang CPP- NPA.
Kasama sa petitioners ang dating pinuno ng Philippine Bar Association na si Atty. Rico Domingo, Ateneo Human Rights Center Executive Director Ray Paolo Santiago, dating Dean Tony La Viña, at ilang law school dean.
Sa kanilang urgent petition, hiniling ng mga ito na patawan ng indirect contempt ng Supreme Court si Badoy.
Sinabi ng petitioners na puwedeng patawan ng parusa na indirect contempt si Badoy dahil sa “gravity” at “nature” ng pahayag nito laban sa hukom.
Moira Encina