Grupo ng mga ALLERGOLOGISTS o allergist may mensahe sa publiko na tatanggap ng bakuna
Mainit pa rin ang usapin tungkol sa COVID-19 vaccines ng ibat ibang grupo ng health experts ang abala upang gawing panatag ang mga filipino sa pagtanggap nila ng bakuna laban sa COVID- 19.
Kabilang Dito ang tinatawag na allergologist o allergist.
Sila ay miyembro ng Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology Inc. o PISAAII.
Ayon kay Dr. Rommel Crisenio M. Lobo, Presidente ng PSAAII, ang bakuna na ibibigay ng gobyerno sa atin ay ligtas at mabisa.
Dumaan ito sa maraming pagsasaliksik .
Kabilang sa priority group ay ang mga healthcare frontliners at elderlies.
Binibigyang diin ni Dr. Lobo na ang bakuna ay libre at kapag nabakunahan na Hindi ibig sabihin ay ligtas na sa virus.
Kailangan pa rin na sundin ang health and safety protocols kailangan pa ring sundin tulad ng paghuhugas ng kamay, physical o social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.
Belle Surara