Grupo ng mga health worker, nagrally para kondenahin ang patuloy na pambabalewala umano ng gobyerno sa kapakanan ng health workers
Kasabay ng paggunita sa Health Workers Day, nagtipon ang ilang grupo ng mga manggagawang pangkalusugan para magsagawa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng World Health Organization sa Maynila.
Giit nila, nasaan na raw ang bilyon bilyong pisong pondo na inilaan para sa mga health worker mula pa noong simula ng pandemya.
Nagpahayag rin sila ng pagkadismaya na sa halip na pagyamanin ang kapakanan ng mga nasa sektor ng kalusugan, pinakanapabayaan pa ang mga health worker.
Mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic umabot na anila sa 110 ang bilang ng mga namatay na health workers pero mistulang hindi naman napansin ng gobyerno ang kanilang mga sakripisyo para makapagbigay ng health services sa gitna ng pandemya.
Madz Moratillo