GSK Covid drug, inaprubahan na ng UK
Inaprubahan na ng British regulators nitong Huwebes ang isang GlaxoSmithKline drug, para sa treatment ng mga may mataas na panganib na maka-develop ng severe Covid-19 symptoms. Ayon sa manufacturer, lumilitaw din na epektibo ito laban sa bagong Omicron variant.
Ayon sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) . . . “The antibody treatment, sotrovimab, was found to be safe and effective at reducing the risk of hospitalization and death in people with mild to moderate COVID-19 infection who are at an increased risk of developing severe disease.”
Sa isang statement ay sinabi naman ng GSK na . . . “Preclinical data showed that the drug retains activity against key mutations of the new Omicron SARS-CoV-2 variant. To date, sotrovimab has demonstrated ongoing activity against all tested variants of concern and interest defined by the World Health Organization (WHO).”
Ang pagsubok sa gamot ay nagpapatuloy upang makumpirma ang “neutralizing activity” ng sotrovimab laban sa kombinasyon ng lahat ng mutations ng Omicron na may intensiyong magbigay ng update sa pagtatapos ng 2021.
Ayon sa MHRA, ang isang dose ng gamot ay nakitang nakapagpabawas sa panganib ng pagkaospital at kamatayan ng 79 porsyento sa mga may sapat na gulang, na may mataas na panganib na may symptomatic COVID-19 infection.
Ang Sotrovimab ay dinivelop ng GSK ng Britanya at Vir Biotechnology na nakabase sa California.
Isa itong monoclonal antibody, isang uri ng protina na kumakapit sa spike protein ng coronavirus, sanhi para mabawasan ang kakayahan nitong pumasok sa selula ng katawan. (AFP)