Guatemala, nagdeklara ng state of emergency sanhi ng Delta variant
GUATEMALA CITY, Guatemala (AFP) – Nagdeklara ang Guatemala ng panibagong state of emergency, at magpapatupad din ng isang overnight curfew simula sa Linggo para mapigilan ang paglaganap ng virus infections dulot ng Delta variant.
Sinabi ni President Alejandro Giammattei, na ang 30 araw na state of emergency ay ipatutupad dahil sa muling pagtaas sa mga kaso na iniu-ugnay sa mas agresibong Delta variant.
Aniya . . . “The Delta variant is highly contagious. It is causing new outbreaks and many governments have had to impose new restrictions on their populations as a mitigation measure. Guatemala cannot be the exception.”
Ang Guatemala na may 17 million inhabitants, ay nakapagtatala ng higit apat na libong bagong infections kada araw, na may 407,564 na mga kaso at 11,006 na pagkamatay mula nang magsimula ang pandemya.
Sa ilalim ng state of emergency na kailangang ratipikahan ng Kongreso, ipatutupad din ang overnight curfew mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.
Una na ring ipinag-utos ng pangulo ang isang state of emergency noong Marso ng nakalipas na taon, nang maitala ng Guatemala ang kauna-unahan nilang kaso ng COVID-19.
Agence France-Presse