“Guererro Dos” ng EBC Films, nominated sa walong kategorya sa 36th PMPC Awards for Movies
Na-nominate sa walong kategorya sa 36th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies, ang “Guerrero Dos: Tuloy” ang Laban ng EBC Films.
Ang mismong pelikula ay nominado bilang Indie Movie of the Year, habang ang director nito na si Carlo Ortega Cuevas ay nominado naman sa kategorya ng Indie Movie Director of the Year, Indie Movie Screenwriter of the Year, at Indie Movie Musical Scorer Of The Year kasama ni Abet Alfonso.
Ang theme song ng “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban” na si Direk Cuevas mismo ang kumanta at ang E25 Records artist na si Rapido, ay nominado rin para sa Indie Movie Theme Song of the Year.
Ang lead star nito, ang batang Julio Caesar Sabenario na pumapel bilang “Miguel” sa pelikula, ay nomonado naman para sa movie actor of the year, habang ang dalawang iba pang cast members ay nominado rin – Paolo Marcoleta para sa new movie actor of the year; at Arturo De Guzman para sa best supporting actor of the year.
Pinasalamatan ni Cuevas at Sabenario ang PMPC para sa mga nominasyon. Si ay nagwagi na ng Best Child Performer of the Year award noong 2018, para sa pelikulang “Guerrero,” na una niyang award mula sa Philippine movie industry.
Narito ang walong nominasyon mula sa PMPC na natanggap ng “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban”
1. Indie Movie of the Year – Guerrero Dos; Tuloy Ang Laban
2. Indie Movie Director of the Year – Carlo Ortega Cuevas
3. Movie Actor of the Year – Julio Caesar Sabenorio
4. New Movie Actor of the Year – Paolo Henry Marcoleta
5. Movie Supporting Actor of the Year – Arturo De Guzman
6. Indie Movie Screenwriter of the Year – Carlo Ortega Cuevas
7. Indie Movie Musical Scorer of the Year – Carlo Ortega Cuevas and Abet Alfonso
8. Indie Movie Theme Song of the Year – Guerrero Dos; Tuloy Ang Laban
Pinasalamatan din ng EBC Films ang PMPC para sa mga nominasyon.
Ang PMPC Star Awards for Movies ay isang annual award-giving body na kumikilala sa outstanding films sa Pilipinas. Ito ay pinatatakbo o pinangangasiwaan ng entertainment writers mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC).
Ang unang PMPC Star Awards ay ginanap noong 1985.
Liza Flores