Guerilla group, nagbantang mabibigo ang UN biodiversity summit sa Colombia

Colombian mounted policemen patrol the Farallones de Cali National Natural Park in the outskirts of Cali, on July 6, 2024, during security operations ahead of the upcomig COP16 Summit. (Photo by JOAQUIN SARMIENTO / AFP)

Nagbanta ang Colombian guerillas na kalaban ng gobyerno at may karibal na armed groups, na mabibigo ang isang malaking UN biodiversity summit na gaganapin ngayong taon sa Cali, ang siyudad na pinakamalapit sa teritoryong dominado nila.

Sa kanilang mensahe sa X na naka-address kay President Gustavo Petro, ay sinabi ng EMC armed group, “The 16th meeting of the Conference of the Parties (COP16) of the Convention on Biological Diversity ‘will fail’ even if they militarize the city with gringos (Americans).”

Ginawa ang babala kasabay ng pagtiyak ng militar na pipigilan nila ang isang paksiyon ng EMC, na kamakailan ay nag-walk out sa pakikipag-usap pangkapayapaan sa gobyerno.

Ang EMC, o Central General Staff, ay isang grupo ng mga kalaban ng goyerno na tumanggi sa peace deal na nilagdaan noong 2016 ng FARC guerrilla movement, na hindi na armado.

Nasa 3,500 EMC ang tinatayang armado pa rin at sangkot sa drug trade at illegal mining, gayundin sa pakikipaglaban kapwa sa militar at sa mga grupong nag-aagawan para sa trafficking routes at teritoryo.

Partikular silang aktibo sa Valle del Cauca, na ang kabisera ay ang Cali, at sa Cauca, na kapwa pangunahing coca-growing southwestern region ng bansa, na pinakamalaking cocaine producer sa mundo.

Ang Cali na magiging host ng gaganaping COP16, at na-uugnay sa partikular na marahas na bahagi ng madugong drug conflict sa Colombia, ay nahaharap sa isang panibagong serye ng karahasan habang pinaghahandaan ang October 21 – November 2 COP meeting.

Ang kaganapan ay inaasahang aakit ng nasa 12,000 mga delegado at exhibitors, maging ng heads of state, sa isa sa pinaka biodiverse countries sa mundo.

Ang seguridad ay nakatakdang pangasiwaan ng Colombian government at ng UN.

Dinoble pa ang bilang ng planong 12,000 mga pulis at mga sundalo na idi-deploy para mangasiwa sa seguridad, dahil sa serye ng mga pambobomba at gun atacks na isinisisi sa EMC.

Kamakailan, ang EMC ay nahati kung saan ang isang bahagi ay sumusuporta sa peace efforts ni Petro, habang ang isa na tutol dito ay pinamumunuan ng isang lalaking kilala sa tawag na Ivan Mordisco, at may hawak ng tinatayang 2,000 lalaki.

Nangako naman si Colombian armed forces chief Admiral Francisco Cubides, na susugpuin ang mga indibidwal na hindi tatangap sa peace process, na ang tinutukoy ay ang puwersa ni Mordisco.

Sa kabilang banda, sinabi ni Defense Minister Ivan Velasquez, na ang isang ceasefire sa nalalabi pang EMC ay palalawigin ng tatlong buwan.

Batay sa data ng UN noong 2022, ang Valle del Cauca at Cauca ay mayroong halos 29,000 ektarya ng cultivated coca leaf, ang aktibong sangkap ng cocaine at pangunahing pinagmumulan ng pondo ng mga rebelde.



Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *